Sunday, April 8, 2018

Naniniwala kaba sa kasabihang love is blind?

 Maghilig akung manaliksik ng mga babasahin tungkol sa pag-ibig at hayaan ninyong ibahagi sa inyo ang kunti kung kaalaman at patutuhan ko ito sa inyo ng akung karanasan.

Ika nga sa nakapagpapukaw ng atensyon ko na " love is not blind" tila baliktad ito sa mga naririnig ko na ang karamihan ang sinasabi ay love is blind hmmmm.

Ayon sa nabasa ko " love is not blind" kundi "love is seeing and accepting the flaws and blemishes".
Napakahiwaga talaga ng pag-ibig kung minsan di na ito kayang maintindihan ng isip natin, na ang pakiramdam natin may sarili ng isip ang puso natin.

Ang sarap umibig at ang ibigin lalo na ng taong Mahal natin.

Naranasan mo na ba na sinabi mo sa sarili mo dati ang katagang
Ang gusto kung mahalin ay yung gwapo, macho, maputi, matangkad, mapagmahal at kung ano ano pa na halos ma isip natin na perpektong tao na pala ang pinapangarap natin..

Hoy mga ate at kuya nakuuu tumigil na kayo Jan sa kakaimagine nyo. Oi walang ganun walang perpekto.. Gising na hoi

Naranasan ko din ang mangarap ng ganyan feeling ko tuloy super ganda ko para mag demand ng perfect guy, hayyy. Hay si Mr. Kupido di man lang nagpapasintabi bago mamana ng puso ng ibang tao katulad nalang ng ginawa nya sakin.

Kahit sinung Babae ay nangangarap ng prinsipe nya na halos fairytale na ang kalabasan.
Na in love ako sa taong kabaliktaran ng gusto ko at kasalanan ito ni kupido dahil nakalimutan nyang mag pacheck up sa EO ayon nung pinana niya yung natutulog kung puso.. Naku tumibok na sa taong diko pinangarap na mamahalin ko.

Hmmm 6 4" ang height nya, hmm kayumanggi ang kulay, mataba siya siguro sabihin natin na sa 22 nyang edad e overweight weight cxa di lang over weight siguro masisira na ang timbangan pag tumuntong siya dun. Hahahaha logot Patay ako nasubrahan ko yata ang pag kukuwento. Mukha siyang bakla kung gumalaw hhhhmm di naman siya kagwapuhan hmmm tama lang parang pweding mapagtiyagaan.

Diko naiisip na maiinlove ako sa taong ito ng sobra.. Ayan na di bulag ang pag-ibig dahil malinaw ang mata ko na nakita ko ang kapintasan nya. Pero ano ang magawa ko kundi tanggapin kung ano siya. Dahil pag nagmahal ka kahit ano pa siya tatanggapin mo at sa heigh kung 5" ay proud ako sa buong mundo na ipagsigawan na siya ang Mahal ko at kung papahintulutan ako ng diyos siya lang ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko.

Pag nagmahal ka lahat nakikita mo ang lahat sa kanya, ano pa man siya kung talaga ng Mahal mo tanggapin mo ipaglaban mo at ipagmalaki mo sa buong mundo na siya ang Mahal mo.

Kagaya ko Mahal na Mahal ko ang taong nagpabaliktad ng mundo ko ang taong nagpapangiti sa mga labi ko ang taong nagpalambot ng puso ko at kahit tutol ang mga numbers sa aming dalawa, ito lang ang sasabihin ko. Wala akung paki isa lang ang alam ko.

Mine Mahal kita at ikaw lang ang pinakagwapo, macho, mabait at perpektong lalaki na ginawang perfect ang buhay ko.